Ang huling el bimbo de Eraserheads
Letra de Ang huling el bimbo
Kamukha mo si paraluman
nung tayo ay bata pa
at ang galing-galing mong sumayaw
mapa-boogie man o cha-cha
ngunit ang paborito
ay pagsayaw mo ng el bimbo
nakaka-indak, nakakaaliw
nakakatindig-balahibo
pagkagaling sa eskwela
ay dideretso na sa inyo
at buong maghapon ay tinuturuan mo ako
Magkahawak ang ating kamay
at walang kamalay-malay
na tinuruan mo ang puso ko
na umibig na tunay
Naninigas ang aking katawan
kapag umikot na ang plaka
patay sa kembot ng beywang mo
at pungay ng iyong mga mata
lumiliwanag ang buhay
habang tayo'y magkaakbay
at dahan-dahang dumudulas
ang kamay ko sa makinis mong braso
Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
at kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko
:
Lalalala
At lumipas ang maraming taon
hindi na tayo nagkita
balita ko'y may anak ka na
ngunit walang asawa
tagahugas ka raw ng pinggan sa may ermita
at isang gabi'y nasagasaan
sa isang madilim na eskenita
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
sa panaginip na lang pala kita maisasayaw
: x2
Traducción de Ang huling el bimbo
Letra traducida a Español
Traducción de la letra realizada con IA.0
0
Tendencias de esta semana
Train wreck
Noise pollution
There She Goes
Good Charlotte
Abril
Vanesa Martín
Tourette’s
Nirvana
Change
Good charlotte
Esclarecido
Extremoduro
1000COSAS ft. Manuel Turizo
Lola Indigo
Some Kind of Love
The Killers
Digital bath
Deftones
A Beautiful Place
Good Charlotte
Ahora Quiero Darte y Ver
Canelita
Donatella (Remix) ft. Nicki Minaj
Lady Gaga
Country comes to town
Toby keith
Dime cómo tenerte ft. Castroprome
Young Killer
Day of celebration
Santana





